I like broken things

9:04 PM



I like broken things.

And maybe that's why I like you.


           Sa unang tingin pa lang, akala ko ikaw na. Sa unang pag-uusap, akala ko ito na.

           Bawat araw na nagdaan, mas lalong nahuhulog sa iyo. Di na namamalayan na unti-unti ko ng pinupulot ang bawat piraso mong nahulog. Nagdaan ang mga panahon at mas lalong nalibang at hinayaan ang kahibangan.

           Di ko napansin na umiikot na yung mundo ko sa mundo mo. Na nasa loob na ako, na malayo na ang narating ng aking pagkahilig. Sa mga basag na bagay, sa iyong mga bubog.

           Pinakita mo yung sarili mo, hinayaan mong makita ko ang kaloob-looban mo. Mas higit at mas malalim pa sa nakikita ng ibang mga tao. Kaya siguro, mas lalo akong na engganyo. Kaya siguro, mas lalong nauto.

           Sa isa hanggang tatlong kabanata ng aking buhay, pinaramdam at pinakita mo sa akin ang isang bago at kakaibang mga pahina. Mga talata na akala ko'y di ko mabubuo, mga salitang akala ko'y di ko maisusulat pero dahil sa iyo unti unti kong nakasanayan ang mga bagay na dati'y aking iniiwasan.

           Di ba? ikaw yung hindi buo? ikaw yung may mundong basag. Masaya ako. Masaya ako noon. Noon na wala ka pa sa kwento ko. Ba't di ko namalayan?

           Na noong pinupulot ko ang iyong mga bubog, noong humakbang papaasok sa mundo mo.. ba't di ko namalayan na na unti-unti na pala akong nagdurugo? Na sa bawat pagtapak papasok at paghakbang papalit ay katumbas noon ang pagbukas ng mga akala kong naghilom na sugat ng kahapon. Na ang akala kong mga nailibing ay biglang nagsibalikan para guluhin ang dati kong masayang mundo. Mundo ko noong wala ka pa.

            I fixed you, and now that you are okay. Where am I? Saan yung lugar ko sa buhay mo?

            Kasi parang nabuhay lang ako sa istorya mo para ibalik ang buhay mong nawala. Na pagkatapos kong maayos ako, burado na ako. Di na ako makikita sa mga susunod na pahina at kabanata. Sa mga salita at talata, tanging mga bakas lang ng pagtatapos at paglimot.

            Bakit nandito ako? Bakit ako yung sira? Inayos kita pero ako ang nasira at nasasaktan ngayon?

           Pinaalala mo sa akin ang lahat ng mga gusto ko ng kalimutan. Ang daya mo. Hinayaan ko ang sarili ko na ayusin ka para sana sabay tayong sumaya pero ba't pinasa mo yung sakit? Ba't nasa akin na ang iyong mga bubog?

            Di ko napansin na sa pagkahulog ko sa iyong mga bubog at pahapyaw mong paghilom ay ang unti-unti mong paglayo at pagbitiw. Pero sana habang mas maaga pa sinabihan mo na ako, kasi kung gusto mo namang umalis.. walang magagawa.


            Ngayon ako ang lunod, di ko na alam ang susunod.


Love,
Raice of 08/20/18 after watching The Day After Valentine's

You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Hi!

Hi!

Subscribe to my Youtube Channel!